Mass repatriation ng OFWs sa Lebanon, minamadali sa harap ng political crisis doon

Pina-plantsa na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation sa mga Overseas Fililpino Worker (OFW) sa Lebanon.

Sa harap ito ng kaliwa’t kanang mga kilos protesta at ang biglaang pagbibitiw sa pwesto ng mga opisyal ng gobyerno doon.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na sila sa Qatar Airways para sa serye ng repatriation sa OFWs.


Tiniyak din ng Philippine Embassy na gumagawa na sila ng mga kaukulang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino doon.

Nanindigan naman ang DFA na walang Pinoy na maiiwan sa Lebanon sa gagawing mass repatriation.

Facebook Comments