Mass slaughter sa halos 200,000 manok na apektado ng bird flu, nagpapatuloy

San Luis, Pampanga – Nagpapatuloy ang pagpatay o pagkatay sa halos 200,000 manok na kontaminado ng bird flu virus sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Arlene Tiangco, head ng Animal Disease and Control Section ng Bureau of Animal Industry kabilang sa mass slaughter ay ang mga manok mula sa anim na apektadong farm at dalawang poultry houses sa loob ng one kilometer radius quarantine area.

Ang naturang bilang ng mga manok ay papatayin sa pamamagitan ng carbon dioxide suffocation na tatagal ng tatlong araw.


Siniguro naman ng Bureau of Animal Industry na ligtas pa ring kumain ng manok basta’t maayos ang pagkakaluto sa mga ito.

Facebook Comments