MASS TESTING MULING AARANGKADA SA ORAS NA LUMABAS ANG HIGIT WALONG DAANG RESULTA NG SPECIMEN AYON SA P.H.O

Lingayen, Pangasinan – Asahan umano na muling aarangkada ang pag-iikot ng Provincial Health Office (PHO) sa isanasagawang mass testing sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan na nasa high risk pagdating sa COVID19. Ang pag-arangkada nito ay sa oras na matapos umano ang confirmatory test sa mga specimen na kinuha sa humigit kumulang na walong daang Pangasinense kabilang na mga stranded sa border areas ng lalawigan.

Habang hinihintay naman ang resulta ng mga ito ay inihahanda na ng pamahalaang panlalawigan ang mga isolation facilities na maaaring magamit at pansamantalang matuluyan ng magpopositibo sa virus upang mabigyan ng sapat na medical attentions. Ang hakbang na ito umano ay bilang paghahanda sa posibilidad na maaaring mangyari sa mga susunod na araw bilang napabilang ang lalawigan sa general community quarantine.

Facebook Comments