Mass vaccination gamit ang Sputnik V, sinimulan na sa Moscow

Nagsimula na ang Moscow sa Russia sa pamamahagi ng Sputnik V vaccine kontra COVID-19 sa 70 clinics sa naturang siyudad.

Ayon sa Moscow Coronavirus Task Force, prayoridad na mabigyan ng bakuna ang mga medical workers, teachers at social workers dahil sila ang mas lantad sa panganib dulot ng COVID-19.

Dagdag pa, hindi muna papayagang makakuha ng naturang bakuna ang mga buntis, may underlying health conditions at may respiratory illness sa nakalipas na dalawang linggo habang hanggang 60-anyos lamang ang maaaring tumanggap ng Sputnik V vaccine.


Dalawang beses ituturok sa isang indibidwal ang Sputnik V vaccine, kung saan ang ikalawang dose ay ibibigay ng 21 araw matapos ang una.

Matatandaang dalawang COVID-19 vaccines ang ginawa ng Russia: ang Sputnik V na pinondohan ng Russian Direct Investment Fund; habang ang isa pa ay dinevelop ng Vector Institute sa Siberia.

Kapwa namang hindi pa tapos ang final trials ng naturang mga COVID-19 vaccine.

Facebook Comments