Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Ronald Dalauidao, City Veterinarian ng Lungsod ng Cauayan, nagpapatuloy aniya ang kanilang pagbabakuna sa mga malalaking alagang hayop tulad ng baka at kalabaw sa bawat barangay.
Isinasabay aniya nila ito sa ginagawang branding o pagmamarka sa mga baka ng City Treasury Office.
Hinihikayat naman ang mga may alaga ng baka na pamarkahan na upang sa ganon ay mayroong magiging palatandaan o ebidensya na pagmamay-ari ang naturang hayop.
Bukod dito,ay nagpapatuloy pa rin ang anti-rabies vaccination ng City Veterinary Office sa mga may-alaga naman ng aso.
Ayon pa kay Dalauidao, dahil sa kanilang patuloy na vaccination program ay marami-rami na ang mga nabakunahang hayop at nabigyan ng pampurga sa lungsod.
Pinapabatid naman sa mga nais magpabakuna ng alagang hayop na makipag ugnayan lamang sa nasasakupang barangay o di kaya ay magtungo sa tanggapan ng City Veterinary Office para mapuntahan at mabakunahan ang mga alagang hayop.