Mass vaccination sa United Kingdom, nagsimula na

Sinimulan na ng United Kingdom ang mass vaccination ng bakuna kontra COVID-19 sa kanilang residente.

Naunang naturukan ang mga may edad 80 taong gulang pataas, care home workers, health frontliners at social care staff.

Ayon kay UK Prime Miniter Boris Johnson, malaking hakbang pasulong ito sa kanilang bansa para sa laban sa COVID-19.


Tinatayang aabot sa apat na milyong doses COVID-19 vaccines ang kanilang magagamit hanggang sa katapusan ng taon.

Facebook Comments