Manila, Philippines – Pinapaimbestigahan ng opposition senators sa kinauukulang komite sa Senado ang pagpaslang sa 9 na magsasaka ng sugarcane o tubo sa Sagay City, Negros Occidental noong October 20.
Nakapaloob ito sa Senate Resolution No. 929 na inihain nina Senators Leila de Lima, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV at lider nilang si Senator Franklin Drilon.
Layunin ng imbestigasyon na mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa pamamagitan ng pagpanagot sa utak ng krimen na isinagawa umano ng halos 40 armadong salarin.
Target din ng isinusulong na pagdinig na alamin kung bakit bigo ang agrarian reform program ng pamahalaan na maiangat ang buhay ng ordinaryong mga magsasaka sa bansa.
Facebook Comments