MANILA – Sa kabila ng umiinit na politika ay iginiit ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pamahalaan na pagtuunan din ng pansin ang labis na umiinit na temperatura sa bansa na lubhang delikado sa kalusugan ng mamamayanAng pahayag ng senador ay kasunod ng anunsyo ng PAGASA na umabot na sa 52 degree celcius ang heat index na naranasan sa ilang lugar sa bansa.Bunsod nito ay iginiit ni senator marcos sa Department of Health na pagibayuhin pa ang pagpapakalat sa bawat komunidad ng mga impormasyon para maiwasan ang delikadong epekto ng taginit tulad heat stroke at iba pang sakit.Iminungkahi pa ni marcos sa doh na pakilusin na rin ang mga barangay health workers information dissemination ng mainam na paraan ng pagiingat sa nakapainit na tempertura lalo pa at sila naman ang nakakakabisado sa kanilang mga lugar at sa mga residente dito.
Massive Information Drive Sa Epekto Ng Taginit, Dapat Pagibayuhin Ng Pamahalaan
Facebook Comments