MASSIVE VACCINATION, IKINASA NG BRGY. ALIBAGU SA CITY OF ILAGAN

Nakakasa na ang COVID-19 massive vaccination sa tatlong magkakaibang petsa at mga dako sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Katuwang ng Brgy. Alibagu sa pamumuno ni Brgy. Captain Ariel Tabangcura ang Cagayan Valley Medical Center at City Health Office 1.

Isasagawa sa September 17, 2022 ang pagbabakuna sa Capitol Hills Subdivision, City Homes Subdivision, at Happy Land.

Susundan naman ito sa October 1, 2022 sa City of Ilagan Terminal at Northstar Mall. Isasagawa naman ang huling yugto sa October 8, 2022 sa mga dako ng Greenheights California Subdivision at South Francisca Subdivision.

Babakunahan ang mga edad 12-17 taong gulang para sa 1st and 2nd dose at booster shot. Habang 1st and 2nd dose at 1st and 2nd booster shots naman para sa mga 18-anyos pataas.

Hinihikayat ng pamunuan ng Brgy. Alibagu ang mga mamamayan na magbakuna na upang magkaroon ng ibayong proteksyon laban sa pandemyang sakit.

Facebook Comments