DATING DANCE SPORT CHAMP, INANTIG ANG PUSO NG KAPULISAN

Napukaw ang damdamin ng kapulisan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa isang dalaga na nag nanais makapag patuloy ng pag-aral ngunit hinahadlangan ng matinding kahirapan.

Ang nasabing dalaga ay si Princess Dianne Valdez, 19-anyos, at residente ng Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela na minsan ng tumigil sa pag-aaral ng isang taon.

Si Princess Dianne ay dating kampeon sa mga Dance Sport competitions gaya ng CAVRAA at minsan na rin naging kinatawan sa 4th Brilliante International Dance Sport Championship na ginanap sa Singapore.

Naging katuwang ni PCpl Maycel Joy Suyu ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) ng (IPPO) ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) sa pagbibigay ng school supplies kay Princess Dianne.

Maliban sakanya ay tinulungan ang kanyang ina na si Ginang Leonida Valdez, 67-sisentay siete anyos na kaagad binigyan ng LGU Ilagan sa pangunguna ni City Councilor Jayve Diaz ng tulong pinansyal at wheel chair.

Nananawagan ang kapulisan sa mga gustong magpaabot ng tulong sa mag-ina na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang masuportahan ang ating kababayan.

Facebook Comments