Master initiator sa Salilig hazing case, sumailalim na sa inquest proceedings sa DOJ

Sumailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw ang itinuturing na master initiator sa John Matthew Salilig case na si Daniel Perry alyas “Sting”.

Ayon kay Police Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City Police, mula sa simula hanggang sa pagbabaon sa labi ng biktima ay kasama si Perry.

Mula DOJ ay mananatili rin muna si Perry sa custodial facility ng Biñan Police.


Makakasama nito sa kustodiya ang anim na iba pang suspek na una nang isinailalim sa inquest proceedings sa DOJ.

Facebook Comments