Tinambangan na si Negros Oriental Gov. Degamo, pumanaw na!

Pumanaw na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo matapos tambangan habang namimigay ng ayuda sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Sto. Nuebe, Pamplona kaninang alas-9:48 ng umaga.

Mismong si Siaton, Negros Oriental Mayor Fritz Diaz, pamangkin ni Degamo ang nagkumpirma ng pagpanaw ng gobernador sa pagamutan.

Batay sa report ng Philippine National Police, abala noon si Gov. Degamo sa pag-entertain ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa kanyang tahanan nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng pixelized uniform at naka full battle gear.


Maliban sa gobernador, tinamaan din ng bala ang ilang sibilyan kung saan agad naman silang isinugod sa ospital.

Sa ngayon nasa crime scene na ang provincial director ng Negros Oriental para magsagawa ng imbestigasyon at hot pursuit operations.

Facebook Comments