Master plan para sa rehabilitasyon ng Marawi City, inihahanda na

Manila, Philippines – Inihahanda na ang masterplan para sa rehabilitasyon ng Marawi City mula sa higit isang buwang bakbakan.

Ayon kay Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar – pinasisiguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayos ang kalagayan ng mga apektadong pamilya sa Marawi.

Aniya, hindi hangad ng pamahalaan na maulit pa ang mga reklamo ng ilang pamilyang biktima ng sakuna ukol sa hindi maayos na pagbibigay ng ayuda noong mga nakaraang administrasyon.


Tiniyak din ng kalihim na walang maabuso sa pondo ng bayan.
Nabatid na naglaan na si Pangulong Rodrigo Duterte ng 20 bilyong piso para sa mabilis na pagbangon ng Marawi City.

Facebook Comments