Mastermind sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percy Lapid, posibleng makilala na ayon sa DOJ; ahensya, magsasampa na ng kaso laban sa mga nasa likod sa Percy Lapid killing sa susunod na linggo

Posibleng makilala na ang mastermind sa pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ay kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, kung saan sinabi nito na maaari nang magsampa ng kaso sa susunod na linggo laban sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.

Maganda aniya ang takbo ng ginagawang imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso.


Dagdag pa ni Remulla, nagtugma ang salaysay ng kapatid ng namatay na “middleman” na si Jun Villamor sa mga ibinunyag ng mga presong mula sa New Bilibid Prison (NBP) na itinuturing na persons of interest.

Nabatid na nakapagbigay na ng salaysay ang limang persons of interest sa National Bureau of Investigation – Philippine National Police (NBI-PNP) Joint Investigation Team.

Matatandaang, umabot na sa walo ang persons of interest na tinitignan ng mga awtoridad hinggil sa Percy Lapid killing.

Facebook Comments