Amerika – Maglalabas muli ng panibagong economic sanctions ang Estados Unidos laban sa Pyongyang.
Ito ay matapos na lumabas sa kanilang imbestigasyon na mismong ang North Korea ang nagpapatay sa half-brother ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Jong-Nam.
Ayon sa US State Department, lumitaw sa autopsy na ginamitan ng nakalalasong chemical na VX nerve agent si Nam.
Nakita ang kemikal sa kanyang mukha, mata, dugo, ihi, damit at maging sa kanyang bag.
February 2017 nang masawi si Nam matapos siyang lagyan ng nakalalasong kemikal ng dalawang babae sa paliparan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Si Nam ay ang sinasabing potential rival ni NoKor leader Kim Jong-Un.
Facebook Comments