NIYANIG | 18, patay sa panibagong lindol sa Papua New Guinea

Papua New Guinea – Labing-walo ang patay sa pagtama ng panibagong lindol sa Papua New Guinea.

Tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Southern Highlands kaninang umaga.

Ito na ang pinakamalakas na aftershocks sa serye ng pagyanig na patuloy na nararamdaman sa lugar.


February 26 nang unang tumama ang magnitude 7.5 na lindol kung saan umabot sa 67 ang nasawi.

Facebook Comments