Masungi, sinisingil ang gobyerno ng ₱1.2-B dahil sa mga kuwestyonableng kontrata sa mga lupang pag-aari ng estado

Sinisingil ngayon ng construction company na nagtayo ng resort sa Upper Marikina River Basin sa Rizal ng isang bilyong piso ang gobyerno.

Ito ay dahil umano sa kabiguan nitong mai-deliver ang mga lupain na nasa loob ng teritoryo ng gobyerno.

Nagpadala ng pinakahuling statement of account ang Blue Star Construction and Development Corporation (BSCDC) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may petsang Abril 11.


Ang sinisingil na halaga ay sumasakop mula sa panahong June 2018.

Ayon sa paglalahad ng Blue Star sa Securities and Exchange Commission, kabilang sa mga key officer at stockholder ng Blue Star ay sina Ben Dumaliang, Ann Adeline Dumaliang, at Billy Crystal Dumaliang.

Nakasaad dito na dapat ibalik ng ahensya ang mga natamong gastos dahil sa kabiguang maipagkaloob sa kanila ang 10-ektaryang parsela lupa na alokasyob para sa New Bilibid Prison (NBP) sa ilalim ng Presidential Proclamation 1158 na nilagdaan noong Setyembre 8, 2006.

Binanggit sa paniningil ang legal, security at iba’t ibang gastos, mga bayad sa pinsalang natamo mula sa pagkaantala ng paghahatid ng lote, at maging ang buwanang pagrenta ng ₱100,000 na binabayaran sa isang professional squatter.

Sa disclosures ng Blue Star sa Securities and Exchange Commission, kabilang sa mga key officer at stockholders ng Blue Star ay sina Ben Dumaliang, Ann Adeline Dumaliang at Billy Crystal Dumaliang.

Sa panig ng DENR, lumilitaw sa resulta ng imbestigasyon noong 2019, nasilip na ang mga kontratang pinasok ng BSCDC ay may mga legal na problema.

Ito ay mula sa unlawful excise ng lupa para sa mga layunin ng pabahay sa isang National Park hanggang sa paggawad ng mga kontrata nang walang bidding.

Facebook Comments