Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang contingent fund o dagdag pondo na hiniling ng mga healthcare workers.
Ayon kay Treatment Czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega, nasa 426,000 pang healthcare workers ang hindi nakakatangap ng kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance ngayong may COVID-19 pandemic.
Aniya, sa susunod na linggo ay inaasahang mailalabas na nila ang P1.5 million contingency fund na magmumula sa Office of the President.
Hinihintay na lamang aniya nilang maipalabas ang guidelines hinggil dito.
Matatandaaang November 26 nang sabihin ni St. Luke’s Medical Center Employees Union Benjie Foscablo sa mga senador sa budget hearing sa panukalang pondo para sa 2022 na hindi pa nila natatanggap ang kanilang MAT allowances na nasa ilalim ng Bayanihan Law.
Sa parehong hearing, sinabi ni Melbert Reyes ng Philippine Nurses Association na ilang nurses ay nakatanggap lamang ng P900 mula nang nagsimula ang pandemic noong March 2020.