Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibong kaso g COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong umaga, Enero 2, 2021, apatnapu’t anim (46) na bagong positibong kaso ang naitala sa Isabela kung saan pinakamarami ang naitala ng Lungsod ng Cauayan na tatlumpu’t dalawa (32), pito (7) sa bayan ng Luna, tatlo (3) sa Lungsod ng Santiago; dalawa (2) sa City of Ilagan; at tig-isa (1) sa bayan ng San Mariano at San Pablo.
Gayunman, nakapagtala pa rin ang Isabela ng labing lima (15) na gumaling sa nasabing sakit.
Tumaas naman sa 226 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.
Mula sa 226 na COVID-19 active cases, isa (1) rito ay Returning Overseas Filipino (ROFs), limang (5) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), labing dalawang (12) health worker; dalawampu’t pitong (27) pulis; at 181 na Local Transmission.