Mataas na bilang ng dropout rate at out of school youth, isinisisi sa kakulangan sa classrooms

Manila, Philippines – Isinisisi nila ACT Teachers PL Reps. Antonio Tinio at France Castro sa kakulangan sa mga silid aralan ng mga pampublikong eskwelahan ang mababang bilang ng mga nag-enroll at tumataas na dropout rate sa bansa.

Giit ng mga mambabatas, bukod sa kakulangan sa classrooms lalong lalo na sa high schools ay hindi rin sapat ang pondo para sa maintenance at operations.

Sa apat o limang elementary schools sa bansa, pinagkakasya nila ang mga estudyante sa iisang high school dahilan kaya hindi nakakapag-aral ang mga estudyante o di kaya ay pinipili na lamang ng mga mag-aaral na magdrop sa klase o tuluyang hindi na mag-aral.


Hindi rin ganoon kaepektibo ang voucher na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap na estudyante dahil umabot sa 4.8 M ang mga out of school youth kung saan tumaas pa ito ng 11% sa loob ng limang taon.

Dagdag dito nasa 4.2 M naman ang dropped out sa taong ‎2015-2016.

Lumalabas din na 91.05% ng mga pumasok ng elementary ay hindi na nageenrol ng highschool dahil nasa 68.15% lamang ang nageenrol sa sekondarya noong 2015.
DZXL558

Facebook Comments