San Mariano,Isabela- Kakulangan ng sapat na Road Safety Sign Board ang isa
sa nakikitang dahilan ng mataas na bilang ng aksidente ng lansangan na
nasasakupan ng barangay Minanga San Mariano,Isabela.
Ito ang binigyan diin ni Sangguniang Bayan member Jerome Stanley
Miranda,chairman ng committee on peace and order sa naturang bayan.Dahil
dito ay kanyang hilingin na sa sangguniang bayan na gumawa ng isang
resolution na humihiling sa Department of Public Works And Highways Region
2 sa pamamagitan ng 2nd Engineering District na nakakasakop sa naturang
bayan na maglagay ng karagdagang Road Signboard na nagbibigay babala sa mga
motorista.
Base sa ulat ng PNP San mariano,nitong nagdaan mga buwan ng Enero at
Pebrero ay nakapagtala ng maraming aksidente sa nasabing lugar kayat
minabuti ng mga ito na pagtuunan ng pansin upang maiwasan ang mga ito.
Lumalabas sa mga pagsisiyasat ng mga opisyal na bukod sa may mga zigzag na
daan sa naturang barangay ay madalas din ang aksidente dahil sa mga
intersection nito.Bagamat ito ang mga nakikitang dahilan ng mataas na
bilang ng aksidente sa mga motorista ay mas makabubuti parin ang matinding
disiplina sa pagmamaneho upang maiwasan ang ganitong mga insidente.