Mataas na Bilang ng kasong VAWC, Naitala sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Naitala sa Nueva Vizcaya ang kabuuang 351 na kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) mula Enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon.

Ito ay batay sa datos ng Police Regional Office 2.

Sa naturang datos, nakapagtala rin ng mataas na bilang ang Isabela na umabot sa 227 habang 191 naman sa lalawigan ng Cagayan.


Bukod pa dito, hindi rin nalalayo ang kasong naitala naman sa Santiago City na pumalo sa 75, Quirino Province na mayroong 23 habang isang kaso lang ang naitala ng Batanes.

Mula naman sa kabuuang 868 na biktima ng VAWC mula 2019-2020, 96% ng mga naging biktima ay edad 18 pataas habang 99.5% ng mga suspek ay 18-anyos pataas.

Patuloy naman ang ginawang kampanya ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor para mawakasan ang karahasan sa mga bata at kababaihan sa lambak ng Cagayan.

Facebook Comments