Mataas na daily COVID-19 new cases, asahan na — DOH

Asahan na ang mataas na kaso ng COVID-19 kada araw matapos maitala kahapon ang record-high na 18,332 new cases.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, dalawa hanggang tatlong linggo pa bago makita ang epekto ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga Local Government Unit (LGU) na pabilisin ang kanilang contact tracing at agad na isolate ito para mapigil ang community transmission.


Maigi rin aniyang agad na masailalim sa test ang lahat ng asymptomatic at close contacts ng nagpositibo sa COVID-19.

Bukod dito, importanteng sumunod ang publiko sa minimum public health standards at magpabakuna na laban sa COVID-19.

Facebook Comments