Handa ang Pilipinas na makipag-partner sa China para sa mga susunod pang proyekto sa ilalim ng belt and road initiative.
Ito ang pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa meeting niya kay Chinese Premier Li Kequiang.
Ayon sa Pangulo – ang patuloy na partisipasyon ng Pilipinas sa forum ay pagkilala sa bisyong nagsusulong ng global connectivity para sa shared prosperity.
Matatandaang marami ang nababahala sa mga kasunduang pinapasok ng Pilipinas sa China dahil sa posibleng “debt trap”.
Pero iginiit ng Malacañan na ang terms ng loan agreements ay ‘competently’ at ‘fully negotiated’.
Facebook Comments