Mataas na kaso ng Child Pornography naitala sa Pangasinan

San Fernando City – Aktibo ngayon ang pamunuan ng PNP Regional Office 1 sa kampanya nito ng pagsugpo ng krimen hindi lamang sa mga lansangan kundi pati sa internet sa pamamagitan ng kanilang anti-cybercrime unit.

Sa monitoring nga ng nasabing opisina patuloy ang pagdami ng mga naitatalang krimen na may kinalaman sa internet partikular na sa social media. Sa panayam ng IFM Dagupan kay PLt Col. Dominador Estrada, hepe ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1 ng PNP Regional Office 1 tinukoy nito ang Child Pornography na may pinakataas na cybercrime sa lalawigang Pangasinan at pumangalawa dito ang pagpapakalat ng nude photos ng magkasintahan.

Tinukoy ni Estrada na sa kanilang datos nasa edad 10 hanggang 15 years old ang mga madalas na biktima na nahuhulog sa patibong ng mga pedophile. Madalas dawn a magpanggap ang mga ito na batang babae o batang lalake na makikipagkaibigan hanggang sa makuha ang loob ng kanilang biktima at manipulahin.


Sa buong region 1 numero uno ang cyber-libel sa may pinakamataas na naitalang cybercrime at sinusundan ito ng online scam, child porn, at pagpapakalat ng nude photos.

Panawagan naman ang hepe ng Regional Anti-Cybercrime Unit 1 ng PNP Regional Office 1 sa lahat ng mga aktibong netizens online na maging responsable sa paggamit nito at sa mga magulang maging aktibo sa paggabay ng mga anak.

Facebook Comments