Mataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu City, bunga ng mga matitigas na ulong residente ayon kay Pangulong Duterte

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na hotspot ng COVID-19 ang Cebu City.

Nabatid na nananatili pa ring nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang ulat sa bayan, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay dahil marami pa rin ang matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa mga paalala ng pamahalaan.


Napuna rin ni Pangulong Duterte ang mga residente sa Talisay City na may patuloy na inuman at sugal.

Paglilinaw rin ng Pangulo, itinalaga niya si Environment Secretary Roy Cimatu sa Cebu City para matiyak na nasusunod ang mga ipinapatupad na quarantine measures.

Facebook Comments