Ayon kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, mas mataas ang naitalang kaso ng dengue ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon.
Nakakabahala na rin ito aniya dahil patuloy na dumarami ang nagkakasakit.
Batay sa datos, apatnapu’t lima (45) ay mga matatanda habang ang apatnapu’t tatlo naman ang mga bata kung saan tatlumpu’t walo sa mga pasyente ay mula sa sa Cagayan, apat (4) sa Isabela, dalawa (2) sa Apayao, at isa (1) sa Caloocan City.
Kabilang sa mga bayan ng Gattaran, Iguig, at Solana ang naitalang nasawi.
Kaugnay nito, nakahanda naman ang ospital sakaling tumaas ang kaso ng dengue sa lalawigan.
Gayunman, nagpapasalamat naman si Dr. Baggao sa patuloy na isinasagawang bloodletting activities para mapanatili ang suplay ng dugo sa ospital ngayong nasa alert level na ang kaso ng Dengue sa rehiyon.