
CAUAYAN CITY- Sa kabila ng mga bagyong tumama noong nakaraang taon, nananatiling maayos at malago ang mga pananim na mais ng mga magsasaka sa Barangay Bugallon, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Juanito Lozada, ang mga ipinamahaging binhi at abono ay malaking tulong upang makabawi ang mga magsasaka mula sa mga naunang pagkalugi kung saan inaasahan nila ang mataas na ani sa darating na anihan.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng sariwang mais ay nasa P10 kada kilo, habang ang tuyong mais ay umaabot sa P14 kada kilo.
Samantala, umaasa si Kagawad Lozada na tataas pa ang presyo ng mais sa panahon ng anihan upang masiguro ang mas mataas na kita para sa mga magsasaka.
Facebook Comments