Mataas na koleksyon ng gobyerno, ipinagmalaki ng DOF

Manila, Philippines – Ibinida ng Department of Finance (DOF) ang mataas na koleksyon ng gobyerno bago matapos ang 2018.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, tumaas ng 16% o umabot ng P2.618 trillion ang revenue collection ng DOF kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

Ipinagmalaki ni Lambino na P2.3 trillion ng koleksyon ay mula sa pagpapatupad ng TRAIN Law dahil sa revenue collection sa mga produktong petrolyo, sugary products at iba pa.


Kabilang pa aniya sa mga factors na nagpataas ng kita ng pamahalaan ang magandang takbo ng ekonomiya at reporma sa tax collection at tax policies.

Gagamitin ang nakolektang kita ng gobyerno para sa mga proyekto at programa sa 2019 tulad ng pagpapatayo ng silid-aralan, pagbubukas ng trabaho para sa mga guro, pagsasaayos ng mga pasilidad ng mga ospital, pag-ha-hire ng mga dagdag na nurses, doctors at iba pang medical professionals.

Dagdag pa sa paglalaanan ng kita ang patuloy na pagsasagawa ng build, build, build program ng Duterte administration.

Facebook Comments