Cauayan City – Humupa na ang mataas na lebel ng tubig-ilog sa Alicaocao Overflow Bridge dahilan upang muling makadaan ang mga sasakyan sa tulay.
Sa pinakahuling update, nasa 38.50 meters above sea level nalang ang antas ng tubig at patuloy pa ang pagbaba nito.
Sa pagbaba ng antas ng tubig, tumambad muli ang mga kahoy at sanga na tinangay ng tubig ilog sa gilid ng tulay subalit hindi naman ito nakakaapekto sa mga dumadaan na mga sasakyan.
Sa kasalukuyan, maluwag rin ang daloy ng trapiko sa tulay at patuloy ang ginagawang monitoring ng mga barangay officials sa lugar upang masiguro ang maayos na sitwasyon sa dito at maobserbahan ang pagbabago ng tubig sa ilog,
Facebook Comments