Naaresto ng mga awtoridad ang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte.
Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang Special Partisan Unit (SPARU) commander na si Joaquin Madrinian na may alyas Alto at Jun-Jun.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Chief Superintendent Benigno Duran, narekober rin sa operasyon ang isang 45 caliber pistol, magazine, 22 rounds ng live ammunition at isang hand grenade.
Si Madrianon ay top 2 sa most wanted sa nasabing probinsya at may mga kasong pagpatay sa mga Lumad sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.
Kabilang rin si Madriano sa itinuturong nang-ambush kay Agusan del Norte Governor Angelica Amante-Matba sa bayan ng Nasipit.
Facebook Comments