MANILA – Ipinagmalaki ng Palasyo ang nakuhang 64 percent net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang 100 araw nito sa pwesto.Isinagawa ng Social Weather Stations ang survey sa kalagitnaan ng kontrobersyal na mga pahayag ni Duterte sa mga international organizations gaya ng United Nations (UN), European Union (EU) at Estados Unidos.Sa naturang porsyento, nakuha ni Pangulong Duterte ang ‘excellent’ na marka sa Mindanao, ‘very good’ sa Visayas at ‘balanced’ naman sa Luzon.Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lamang ito na nagtitiwala ang publiko sa mga plano ni Pangulong Duterte tungo sa pagbabago.Sa interview ng RMN sa Political Analyst na si Ranjit Rye, sinabi nito na nakatulong sa ratings ni duterte ang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad at ibang pagbabago na may direktang epekto sa taumbayan.Malaking bagay rin aniya ang estilo ng pamumuno ni Duterte na nakapokus sa aksyon kaysa sa popularidad.
Mataas Na Net Satisfaction Rating Ni Pangulong Duterte, Welcome Development – Palasyo
Facebook Comments