Pangulong Duterte, Hindi Takot Na Putulin Ng Amerika At European Union Ang Kanilang Pagtulong Sa Pilipinas

17

MANILA – Hinamon na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika at European Union na putulin na ang kanilang tulong sa Pilipinas.Sa kanyang pagbisita sa Camp Rafael Rodriguez sa Butuan City… sinabi ng pangulong duterte, na wala siyang pakialam kung iwithdraw ng US at EU ang tulong sa atin.Ayon sa pangulo, hindi naiintindihan ng international community at ng kanyang mga kritiko na malala na ang prolema ng bansa sa ilegal na droga.Iginiit pa ng pangulo, na kaya naman nating tumayo sa sarili nating paa.Muli ring inulit ng pangulo ang kanyang direktiba sa mga pulis na huwag matakot tuparin ang kanilang mandato laban sa ilegal na droga…Anya, ito ang tamang panahon para wakasan ang problema sa droga at makakaasa ang PNP ng buong suporta mula sa kanya.

Facebook Comments