Pinuna na ng Department of Agriculture (DA) ang mahal na presyo ng bigas sa ilang merkado sa kabila ng pagbaha ng imported rice.
Sa interview ng RMN Manila kay Agriculture Sec. William Dar, ang halaga lamang dapat ng imported rice ay nasa 34 hanggang 37 pesos kada kilo.
Nakiusap na si Dar sa mga importer na huwag nang ipitin ang mga inaangkat na bigas.
Hihingi na rin sila ng karagdagang pondo para makabili ng palay sa mga magsasaka.
Umiikot na rin sila sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para hikayatin ang mga lokal na pamahalaan na direktang bumili ng palay.
Nanawagan din ang DA sa publiko na ipaalam sa kanila ang mga lugar kung saan mababa na ang presyo ng palay at pupuntahan nila ito.
Facebook Comments