Smuggling ng pork products, problema pa rin

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na nanatiling problema ang smuggling ng mga pork products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.

Sa interview ng RMN Manila kay Agriculture Sec. William Dar, kailangang magtulong-tulong kung hindi malaking banta ito sa industriya ng pagbababoy sa bansa.

Pero tiniyak naman ng kalihim na mahigpit na ipinatutupad na ban.


Iginiit din ni Dar na ang kailangang may sertipikasyon mula sa Health Veterinary ang karneng baboy upang matiyak na ligtas ito.

Samantala, inaasahang darating ngayong weekend o sa Lunes ang laboratory results ng mga sample na ipinadala galing Europe para malaman ang dahilan ng pagkakasakit at pagkakamatay ng ilang baboy sa bansa.

Facebook Comments