Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ng mga kongresista mula sa oposisyon ang mataas na net satisfaction rating ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, inaasahan na nila ang mataas na ratings ni Duterte dahil ginagamit nito ang emosyon sa pagkuha sa simpatya ng publiko.
Nalilinlang aniya ng propaganda machinery ni Duterte ang publiko sa kabila ng mga paglabag na ginagawa nito.
Para naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, maituturing pang honeymoon stage ang mahigit isang taon ni Duterte sa panunungkulan kaya tiyak na mataas pa rin ito.
Naniniwala naman si ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na kapag naramdaman na ng mga Pilipino ang hirap sa ilalim ng Duterte admin ay dito na babagsak ang ratings ng Presidente.
Ilan dito ang epekto ng mga dagdag na buwis na ipapapasan sa publiko sa ilalim ng tax reform program, problema sa traffic, kontraktualisasyon, pagtaas ng bilihin at iba pa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558