Lima katao kabilang ang isang buntis, sugatan matapos salpukin ng tren ang sinasakyang ambulansya

Manila, Philippines -Sugatan ang limang katao matapos na mabangga ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang sinasakyan nilang ambulansya sa bahagi ng Blumentritt Station sa Maynila.

Dakong alas 3:45, binabagtas ng rescue ambulance (NI – 4366) ng barangay 167, Caloocan City ang northbound lane ng kahabaan ng Rizal Avenue, Blumentritt nang maabutan ito ng tren.

Kwento ng mga nakasaksi, paandar na noon ang tren nang magpumilit na makatawid ng riles ang ambulansya.


Sa lakas ng impact, nayuping parang lata ang ambulansya at tumilapon ang mga sakay ito.

Ginagamot na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktima kung saan isa sa mga ito ay buntis.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments