Mataas na satisfaction rating ng pangulo, makatutulong sa ekonomiya ng bansa

Makakabuti para sa bansa at sa ating ekonomiya ang pagtaas sa satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang reaksyon ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos na umangat sa +47 ang net satisfaction rating ng pangulo mula sa +44 rating noong Setyembre ng nakaraang taon.

Lumalabas sa bagong survey na 65% ng mga Pinoy ang kuntento sa pamamahala ng presidente, 18% ang dissatisfied, habang 17% ang undecided.


Pinuri ni Revilla ang mataas na rating ni Pangulong Marcos sabay pahayag na ang ito ay indikasyon na kinikilala ng mga mamamayan ang mga positibong nagagawa ng administrasyon.

Sumasalamin din aniya ito sa pagkilala ng mga kababayan sa pagsisikap at trabaho ng pangulo na tugunan ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino.

Dagdag ni Revilla, maganda ito dahil ang mga programa at ang liderato ni Pangulong Marcos ay nakakadagdag ng kumpiyansa sa international community.

Facebook Comments