Mataas na satisfaction ratings ng Gabinete, itinuturing na inspirasyon ng Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang magandang resulta ng survey ng Social weather Station sa satisfaction ratings ng buong Gabinete ni Pangulong Duterte.

Nakakuha kasi ng +34 net satisfaction ratings ang gabinete ng Pangulo sa Survey na ginawa noong June 23 hanggang 26 na may 1200 na respondents sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinapakita lang nito na patuloy parin ang suporta ng mamamayan kay Pangulong Duterte at sa kanyang official family.


Isa aniya itong motivation o inspirasyon para sa executive branch na paghisayin pa ang kanilang trabaho para maging maunlad at mapayapa sa bansa na siya namang magiging tulay para maging magaan ang buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments