Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañang na kahit pa marami ang bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte ay marami parin ang satisfied sa performance ng Pangulo at ng kanyang administrasyon.
Batay kasi sa survey ng Social Weather Station o SWS nitong 1st quarter ng 2017, ay 78% n gating mga kababayan ang satisfied sa trabaho ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lamang ito na kahit ano pa ang binabatikos sa pangulo ay marami parin ang naniniwala dito.
Sinabi pa ni Abella na sa ngayon ay marami na sa ating mga kababayan ang naniniwalang sila ay ligtas dahil sa mga hakbang ng pamahalan para mapanatili ang katahimikan at seguridad sa bansa.
Ibinida pa ni Abella ang 70% ng mga Pilipinong naniniwalang seryoso ang administrasyon sa pagresolba sa mga extrajudicial killings at paglilinis sa hanay ng Philippine National Police.
Binigyang diin ni Abella na naiintindihan at suportado ng mamamayan ang kampanya ng Administrasyon laban sa operasyon ng iligal na droga at magpapatuloy ito para sa susunod na henerasyon.
Nation