MATAAS NA SINGIL NG PAMASAHE NG ILANG TRICYCLE DRIVERS SA BRGY. PUGARO, INIREREKLAMO

Inalmahan ng ilang residente sa Brgy. Pugaro, sa Dagupan City ang nararanasan umanong mataas na singil ng pamasahe sa mga sasakyang tricycle.

Ito ay matapos na rin ng sobrang paniningil sa ilang estudyante, na mula sa nakatakda umanong sampung piso, ay naningil ang driver ng trenta pesos.

Ayon sa ilang residenteng nagpahayag ng pagkadismaya, dapat alam na raw talaga ng mga tricycle drivers na fixed ang pamasahe lalo na ng mga estudyante. Hindi rin naman daw umano kalayuan ang byahe.

Dagdag pa ng mga ito, ang ilang pumapasada umano, walang prangkisa at wala ring lisensya.

Samantala, panawagan na rin ng mga residente na maibalik na raw sana ang waiting shed sa bawat sitio upang hindi na makadagdag gastos pa sa bayad sa tricycle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments