Balak siyasatin ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang tumataas na singil para sa bank transactions sa Automated Teller Machines (ATM).
Naghain ng resolusyon ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. Kung saan tungkulin ng estado sa ilalim ng 1992 Law na protektahan ang interest at kapakanan ng mga consumer at bumuo ng standards of conduct sa mga negosyo.
Nababahala ang mambabatas dahil higit 58 Milyon ang gumagamit ng ATM.
Naniniwala si Campos na posible pang tumaas ang ATM Transaction Charges matapos alisin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Moratorium noong 2013 tungkol sa fee adjustment.
Sa ngayon, ang mga bangko ay naniningil ng 10-15 Pesos kada interbank withdrawal at 2 Piso para sa interbank balance inquiry.
Facebook Comments