Mataas na singil sa kuryente sa susunod na buwan, nakaamba!

Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente sa susunod na buwan dahil sa sunod-sunod na pagsasailalim sa power alerts ng Luzon grid.

Ayon kay Larry Fernandez, head ng utility economics sa Meralco, apektado ng power alerts ang presyo ng kuryente sa spot market.

Kahapon, muling numipis ang reserbang kuryente sa Luzon kaya isinailalim ito ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert, alas-3 ng hapon at ibinaba sa yellow alert status hanggang alas-8 ng gabi ng Lunes.


Sabi naman ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, inaasahan nilang magiging sapat ang reserbang kuryente sa mga susunod na araw lalo na at bababa ang demand dahil sa Semana Santa.

Muli namang nang paalala ang gobyerno at power companies sa publiko na ugaliing magtipid sa paggamit ng kuryente.

Facebook Comments