Number coding scheme, sinuspinde simula sa Miyerkules Santo

28

Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding sa April 17, Miyerkules Santo  hanggang sa Lunes, April 22.

Ayon sa MMDA, ito ay para sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa mga lalawigan gayundin sa pagbabalik nila sa Metro Manila sa sususnod na linggo.


Muli namang ibabalik ang number coding sa April 23.

Wala pa namang abiso ang Makati at ang Las Piñas kung magsususpinde rin sila ng coding sa Miyerkules Santo at sa April 22.

Facebook Comments

From Advertisers