MANILA – Ipinagmalaki ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na maganda ang initial assessment sa isinasagawang Overseas Absentee Voting (OAV) na nagsimula noong Sabado, Abril 9.Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakapagtala ng highest voters turnout ang Hong Kong kung saan umabot sa 1,128 ang bumoto sa unang araw ng halalan mula sa mahigit 93,000 na mga rehistradong botante.Sa interview ng RMN kay Bautista, sinabi niya na maging sa social media ay aktibo ang mga Pinoy sa abroad ngayong halalan 2016.Sa kabila nito, aminado siyang may mga problema pa rin sa mga botante na malayo sa mga polling precincts.Dahil dito, may mga opsyon na inilatag ang Comelec para masolusyonan ito.Pinag-aaralan na din ng Comelec ang hinaing ng ilang OFWs na nakaranas ng aberya sa pagboto sa OAV.Nabatid na sa kabuuan ay nasa 1.38 million ang overseas voters ngayong 2016 na pinakamarami sa kasaysayan.Samantala, nilinaw din ni Bautista na nagsisilbing dry-run ang isinasagawang OAV para sa isasagawang national elections sa May 9.
Mataas Na Voters Turnout Sa Pagsisimula Ng Overseas Absentee Voting, Ipinagmalaki Ng Commission On Elections (Comelec)
Facebook Comments