Matagal na Pag-Apula ng BFP sa Sunog, Pinabulaanan!

Cauayan city, Isabela – Pinabulaanan ni Fire Senior Inspector Franklin Tabingo, Fire Marshall ng BFP City of Ilagan ang umano’y komento ng mga taumbayan sa kanilang pag-aapula ng sunog.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan News Team kay FSI Tabingo, nasa limang kaso na ng sunog ang naitala sa City of Ilagan at karaniwan sa mga sanhi nito ay ang sabay sabay na pagsaksak ng mga de kuryenteng bagay.

Kaugnay nito, kanyang pinabulaanan ang mga komento ng taumbayan na umano’y mabilis nauubusan ang kanilang fire truck.


Aniya, hindi umano buong tubig ang laman ng isang fire truck at ang standard lamang na laman nito ay nasa 750 gallons kung saan nauubos din ito sa loob ng limang minuto kung ito ay ibinuga sa full pressure.

Gayunpaman aniya, ay may mga ibang fire trucks pa rin naman ang tumutulong sa kanila upang mag relay at tumulong sa pag apula ng apoy.

Kaugnay nito, kanya ring sinabi sa mga taumbayan na huwag umano nilang harangan ang kanilang mga daanan kung may mga insidenteng sunog at huwag ding pakialaman ang kanilang stratehiya sa pag-aapula ng sunog gaya umano sa mga insidenteng totally raised na.

Dinismaya rin ni FSI Tabingo ang mga taumabayn na huwag unahing kumuha ng video sa nasusunog na bahay bagkus ay ipaalam na agad ito sa BFP.

Facebook Comments