Matagal na pananatili ng VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, posible – Malakanyang

Malaki pa ang tiyansang mapanatili pa ng matagal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Kasunod ito ng ipinag-utos ni Pangulong Duterte na panatilihin ang VFA matapos na makipagpulong kay US Defense Secretary Lloyd Austin sa Maynila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ikinokonsidera ni Pangulong Duterte ang kabutihan ng Estados Unidos na nag-donate COVID-19 vaccine sa Pilipinas para mapanatili ang kasunduan.


Batay sa record mula sa US Embassy sa Maynila, nag-donate ang US government ng 13.2 million doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Kabilang dito ang 10 million doses ang ibinigay sa pamamagitan ng global aid facility COVAX, habang ang 3.2 million doses naman ay direktang donasyon.

Ang VFA ay isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US na nagbabalangkas ng mga termino sa pagpasok ng armadong pwersa ng US sa bansa na magreresulta ng mga aktibidad tulad ng Balikatan, o malakihang joint military trainings.

Facebook Comments