Dinaluhan ng humigit 30,000 katao ang taunang selebrasyon ng Jesus Reigns Celebration 2017 sa San Narciso Ramos Sports Complex Ground noong nakaraang Nobyembre 30, 2017. Puno ng dasal, kantahan at sayawan ang nasabing selebrasyon na sinuportahan ng iba’t ibang Christian Churches maging mga government at non-government organizations na mula sa iba’t ibang panig ng Pangasinan para ipagdiwang ang Dakilang Pangalan ni Hesus.
Ito ay taunan na sabayang isinasagawa ng mga Kristiyano sa 82 probinsya ng Pilipinas kasama ang National Capital Region. Nag-simula ang Jesus Reigns Celebration taong 2012 sa katauhan ni Sis. Gina G. Osmena mula Cebu. Layunin ng JRC na maglaan ng isang espesyal na araw upang parangalan at luwalhatiin ang Pangalan ni Hesu Kristo.
Nagtapos ang selebrasyon sa Lalawigang Pangasinan sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at fireworks display. Panalangin at hangad ng mga organizers na dumating ang araw na maisabatas ang selebrasyon ng Jesus Reigns kung saan ay unti unting isinasagawa narin sa ibang bansa tulad ng Japan at Indonesia.
Inaasahang sa susunod na taon ay mas dudoble ang bilang ng mga attendees sa Jesus Reigns Celebration.