Matagumpay na implementasyon ng Alert Level System with granular lockdown, pinalagan ng isang health expert

49

Pinalagan naman si dating National Task Force on COVID-19 Special Adviser at health expert na si Dr. Anthony Leachon sa pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos.

Kasunod na rin ito ng sinabi ni Abalos na matagumpay ang implementasyon ng Alert Level System with granular lockdown sa Metro Manila dahil unti-unti nang bumababa ang COVID-19 cases.


Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Leachon na nasa kritikal pa rin ang kapasidad ng mga ospital sa Metro Manila.

Kaya naman pinaghihinay-hinay nito ang mga opisyal ng pamahalaan sa pagsasabing bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments