Matagumpay na isinagawa nitong Sabado ang forum on Federalism and Bangsamoro Basic Law o BBL na ginanap sa bayan ng Buluan, sa lalawigan ng Maguindanao. Ang forum ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga lgus , religious at mula sa iba’t ibang sektor. Naging resource speaker sina Hon. Amina Rasul Bernardo ng Phil Center for Islam and Democracy, Asst. Sec. Epimaco Densing III ng Dilg national at Peter Tiu Lavinia, Head Federalism Advocacy Group. Layunin ng nasabing aktibidad na maipaunawa sa mga mamamayan ng lalawigan kung ano ang mangyayari sa bansa kapag tuluyang binago ang porma ng gobyerno patungo sa federal form of government at kung ano ang magiging pakinabang nito sa mamamayang Pilipino.(Amer Sinsuat)

 
Facebook Comments